Panahon ng pagdadamayan

Nakakalungkot naman ang inabot ng mga kababayan natin sa Mindanao.

Sunod-sunod na lindol ang kanilang dinanas at ang masaklap pa ay pumalo na sa 16 katao ang namatay dahil sa trahedyang ito.

Kaya sana ay ipadama natin sa mga kababayan natin sa Mindanao ang ating pagdamay.

Alam kong matinding hirap ang pinagdadaanan ng marami sa atin pero mas higit sa ilan sa atin ang dinaranas ng mga kababayan na­ting naapektuhan ng lindol.

Maraming organi­sasyon ang nanga­ngalap ng tulong para ipaabot sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, maaari na­ting idaan sa mga ito ang ating tulong anuman ito.

Pero ang apela ko lang sa mga nagmamagandang loob ay siguraduhing sa matino at lehitimong organisasyon natin ito idaan.

Panawagan din natin sa mga orga­nisasyong nangunguna sa pagtulong na huwag niyo namang solohin ang kredito dahil hindi kayo magtatagumpay kung walang sumusuporta sa inyong mga may ginintuang puso sa mga kababayang biktima ng kalamidad.