Panalo ang ABS-CBN 2!

SA mga kategorya para sa telebisyon, labing-isa ang tropeo para sa mga ABS-CBN TV programs ang nanalo sa GEMS (Guild Of Educators, Mentors And Students) Awards. Sila rin ang itinanghal na Station of the Year.

Ibig bang sabihin nito, para sa pihikang panlasa ng mga dalubguro, guro at mga mag-aaral, mas ma­taas ang kalidad at mas may panahon silang panoorin ang mga pagtatanghal sa Kapamikya network?

Ang mga nagwagi sa GMA 7 ay 24 Oras, Best Female News Program Anchor si Jessica Soho – para sa State of the Nation, isa sa Best Television Programs ang Eat Bulaga, Best Television Program Show Emcees sina Atom Araullo para sa Philippine Seas, Pia Guanio-Mago (EB) – Eat Bulaga at ang huling parangal nilang tinanggap. Best TV Special Wowowin: The Marawi Tribute – Puso Para sa Bayan.

Congratulations sa mga 2nd GEMS Awards awardee­s at winners. Kita-kits!

***

Katangahan kung bibigyan ni Robin sina Daniel at Aljur ng pampatigas!

MAY pagbabanta si Robin Padilla na mananampal sa isang press payanig para sa isang food supplement for men na kanyang iniendorso.

Ilang mga tanong, sino ba ang publicist na nag-imbita sa mga entertainment press? May malay naman siguro siyang hindi pa maayos ang pakikitungo nina Robin Padilla at Aljur Abrenica, wala ba siyang ginawang briefing sa mga press na dapat tungkol lang sa produkto ang itatanong?

Pangalawa, hindi ba lantarang katangahan kung dapat bigyan ni Padilla si Abrenica dahil nga ‘relatively young’ pa ito, fit and healthy and hindi pa nito kailangan ang nasabing food supplement para maging tigasin at palaban in the sexual congress arena? Ganun din kay Daniel Padilla na dapat ba ay bigyan nito?

Ang food supplement ay for men of a certain age and maturity, so hindi ‘cute’ at ‘valid’ na itanong sa kanila ‘yan.

Wala rin sa hulog ang pagbabanta ni Robin na sasampalin niya dapat ang babaeng sa­larin at pasalamat nga siya na naging babae siya kaya hindi niya tinuloy ang kanyang banta. Sasamain naman dapat ito kung saka-sakaling kauri niya ang nagtanong.

Oo, tanggap natin na maginoo pero medyo bastos ang orihinal na Bad Boy. Marami ang mga babae, at ma­ging lalaki ang iniidolo at minamahal pa rin si Padilla. Pero, porke ba alam na natin ang naturalesa niya, hindi nakakaalarma ang kanyang pagbabanta? Hindi ba kung tunay na maginoo si Robin, hiniling niya na makausap ‘privately’ ang babaeng writer para maayos at magkapaliwanagan sila?

Hindi ba so unbecoming of a gentleman ang kanyang pagbabanta? Pagbibiro lang ba ‘yun? O alam mong totohanin niya? Kung tinotoo niya nga, ano kaya ang mga susunod na kabanata?

Buti at walang untoward incident na naganap. Aral rin ito sa mga manunulat, pag-isipan mabuti ang mga tanong at ang mga nilalang na inyong tinatanong, pakiramdaman muna. Hindi pwedeng magpa-biba all the time.