Suntok sa buwan

Aminado si PBA Commissioner Willie Marcial na suntok sa buwan kung mananalo ang Gilas Pilipinas sa Italy.

First game ng Filipinos ang Italians sa 18th FIBA World Cup sa China.
“Given naman na ‘di natin kaya ang Italy dahil may dalawang NBA players sila, may naturalized pa,” ani Marcial nang matiyempuhan kagabi sa Game 2 ng Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Pinunto ng PBA chief ang sinabi ni coach Yeng Guiao na may tsansa ang Pilipinas kung matityempuhan na off-night ang Italians, lalo sina Marco Belinelli at Danilo Gallinari.

“Manonood daw si President Duterte, dagdag motibasyon sa mga bata,” dagdag ni Marcial.

Ang pinakamagandang tsansa raw na manalo ay kontra Angola.

“Pero matibay na team din ‘yung Angola. Mahihirapan din tayo pero sabi nga, ‘yun ang best chance natin,” panapos ni Marcial.

Isa pang asignatura ng Gilas sa Group D ang world No. 9 Serbia.
Top 2 ng bawat grupo lang ang uusad sa next round.

Nasa Spain sa kasalukuyan ang Nationals para sa training camp at sasabak na rin sa pocket tournament. (Vladi Eduarte)