Mariing kinontra ng ilang kongresista ang pag-entra ng pangatlong telco na papapelan ng Chinese company.

Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin na makokompromiso ang pambansang seguridad ng Pilipinas sa pagpasok ng state-owned China Telco bilang pangatlong provider.

“China is known for monitoring online its citizens and with their entry in the telco industry, it is just a matter of time that our national database will be in their hands,” paliwanag ni Villarin.

“We already gave up our national grid to NGCP (National Grid Corporation of the Phi­lippines) under Transco being operated by Chinese technicians,” dagdag nito.

Kapag pinahintulutan aniya ang mga Intsik na umepal sa telekomunikasyon ng Pilipinas ay makukumpleto na ang pana­nakop ng mga ito sa bansa.

“It is a matter of time that China’s de facto invasion will be completed unless we resist and expose this wholesale selling out of our country,” giit ni Villarin.

Ayon naman kay Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi nabalanse ng gobyerno ang epekto sa soberenya ng bansa kung saan ay hindi maigiit ng mga Pinoy ang karapatan sa West Philippine Sea.

“Kapalit ba ito ng seguridad ng ating bansa na kung saan sa pagnanais natin na magkaroon ng investment sa Pilipinas ay hinaya­an nating buksan ang ating sarili katulad ng 3rd telco na mangu­ngutang sa China kung saan ay matatali tayo o masasakal tayo sa debt trap diplomacy ng China o kapalit ba ito ng dignidad?” pagdidiin ni Alejano.