Panasonic sumuko sa China, South Korea

Nagdesisyon ang Ja­panese electronics giant na Panasonic Corp. na ibenta na ang semiconductor business nito sa isang Taiwanese firm.

Ayon sa Japan Times, bibitawan na ng Panasonic ang shares nila sa Panaso­nic Semiconductor Solutions Co., na nakabase sa Kyoto Prefecture, at To­werJazz Panasonic Semiconductor Co., na joint venture nito sa Israeli firm na Tower Semiconductor Ltd.

Mapupunta na ang lahat ng ito sa Nuvoton Technology Corp. ng Taiwan.

Magpopokus na lang umano ang kompanya sa negosyo kung saan sila kumikita.

Nahirapan umanong sumabay ang mga Japanese chip manufacturer nitong nakalipas na mga taon sa mga kalaban nilang mula sa South Korea at China.

Sinabi rin ng kompan­ya na bibitawan na rin nila ang production ng mga LCD panel para sa TV dahil hindi na rin ito mas­yadong kumikita.

Sumikat ang Panasonic at naging global chipma­king powerhouse noong 1980s at 1990s. (IS)