‘PANDESAL’ ni Piolo pinagtripan ni Ogie

‘PANDESAL’ NI PIOLO PINAGTRIPAN NI OGIE

Ni: Allan Diones

Sobrang saya ng intimate 52nd birthday party ni Ogie Alcasid nu’ng Monday night sa Manila House Private Members Club sa BGC.

Tsika sa amin ni Ogie, maliit­ na get together lang daw ‘yon with his close friends.

Aligaga rin siyempre ang misis niyang si Regine Velasquez sa pag-iistima ng mga bisita ng birthday boy.

Isa sa mga dumating ay si Piolo Pascual at nakakaaliw ‘yung pagkukumpara ni Ogie sa ‘abs’ niya at sa abs ni Piolo.

As in pinipindot pa talaga ni Ogs ‘yung mga pandesal ni Papa P, sabay pakita ng tiyan niyang pinagawa niya raw kay Dra. Vicki Belo na nandu’n din sa party.

Pagmamalaki ni Ogie, nawala raw agad ang tiyan niya dahil sa ginawa sa kanya ni Dra. Belo nu’ng hapon na ‘yon.

“Usually, I have a bulge (sa stomach), now the bulge is here,” natatawang sey ni Ogs sabay hawak sa kanyang pabukol sa harapan.

Nu’ng kantahan na siya ng birthday song at mag-blow siya ng candles sa cake ay kiye­meng surprised na surprised si Ogie dahil hindi raw niya alam na may party siya.

Ang sabi raw kasi ng wifey niyang si Regine ay magdi-dinner lang sila sa Manila House. Eklat niya lang ‘yon dahil siya talaga ang nag-invite ng friends niya sa papiging niyang ‘yon.

May drama rin si Ogie na parang kinikilig siya ‘pag niyayakap siya ni Piolo.

Pati tuloy ang misis niyang si Reg ay kiyemeng nagseselos na sa kaswitan nila ni Papa P.

Eh dumating pa si Derek Ramsay.

Ayun, panay din ang yakap ni Derek kay Ogie at sabi ng birthday boy, “Puro lalaki talaga ang gusto ko, huwag kayong ano diyan!”
“Nagbago na siya ng gusto!” reaksyon ni Reg, sabay tawa.

Nakakalerky nu’ng i-sandwich si Ogie nina Piolo at Derek, na kiniss pa siya ng mga ito sa magkabilang pisngi. Kinilig-kilig kunwari si Ogs.

Reaksyon tuloy ni Regine sa katabing si Gelli de Belen, “Sabihin mo, ‘May asawa ka, nandito asawa mo!’” na sinabi naman ni Gelli kay Ogie.
“I resign! Derek, I resign (as a wife)!” pabirong tili pa ni Songbird na nagseselos kuning.

“Huwag naman!” kiyemeng awat ni Derek kay Regine.

“‘Di ba, ayaw mo nang magduda? Sure ka na, eh! Confirmed!!” natatawang sey pa ni Reg, na kiyemeng nako-confuse na rin daw talaga sa asawa niya.
Ha! Ha! Ha!

Bago natapos ang kasiyahan ay nagyaya si Ogs doon sa may piano area at kinantahan niya ang mga bisita niya habang tumutugtog ng piano si Mr. Louie Ocampo.

After ni Ogs ay nagpaunlak din ng isang kanta si Songbird kahit medyo wala raw itong boses nu’ng gabing ‘yon.

Nakisaya rin sa party ni Ogie ang mga kasamahan niya sa “ASAP Natin ‘To” na sina Zsa Zsa Padilla (with boyfie Conrad Onglao), Gary Valenciano (with wifey Angeli Pangilinan) at Eric Santos (with close friend Jason Dy).

Present din sina Christian Bautista (with wifey Kat Ramnani), Karylle (with hubby Yael Yuzon), John Estrada, Michael V, Bayani Agbayani, Hayden Kho at marami pang iba.