‘Pandesal’ ni Trae panlaban sa COVID

KAHIT naka-home quarantine, nagmistula pa ring beach body si NBA star Trae Young matapos nitong iladlad ang macho nitong katawan sa social media.

Sa pinost na litrato ni Atlanta Hawk star Young sa kanyang Twitter account (@TheTraeYoung) ay makikitang akala mo mainit-init pa at kakalabas lang sa pugon ang mala-pandesal niyang muscles.

Pero kahit binalandra nito ang kanyang hot body ay makikitang may suot pa rin itong face mask para maprotektahan ang kalusugan sa kumakalat na coronavirus.

Magugunitang tigil-aksyon muna ang mga laro sa NBA dulot ng COVID-19.

Dahil sa posibleng pagkabagot ay kanya-kanyang gimik ang mga manlalaro.

Sa ngayon ay nasa 14 na ang bilang ng nagpositibong player sa NBA. (Aivan Episcope)