Panelo magsasampa ng libel sa Rappler, Inquirer

Sasampahan ng kasong libel ni Presidential Spokesman at Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang Inquirer.net at Rappler dahil sa umano’y malisyosong post sa Twitter, Facebook at website ng mga ito sa isyu ng referral letter nito para sa aplikasyon ng executive clemency ni convicted murderer-rapist Antonio Sanchez.

Sinabi ni Panelo na malisyoso ang inilathala ng nabanggit na mga media entity dahil pinalitaw na inendorso nito ang aplikasyon ni Sanchez gayong ini-refer lamang niya ito sa Bureau of Pardons and Parole ang kahilingan ng anak ni Sanchez.

Ayon kay Panelo, iresponsable, malisyoso at libelous ang article ng mga ito dahil sinusubukan siyang i-discredit at dungisan ang kaniyang integridad sa publiko.

“I’m filing a libel case against Inquirer.net and Rappler for publishing these malicious articles. Those articles are reeking with not only irresponsibility but with malice and it is libelous in nature because it tends, it imputes and act to discredit me in public and to tarnish my honor” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na sinabihan na niya ang dalawang pahayagan na linawin ang kanilang tweet at isinulat sa website subalit walang ginawang aksiyon ang mga ito.

“I demanded rectification from Inquirer but I have not receive any word from them. I also texted Pia and I told her no intervention and just replied ‘got it’,” dagdag pa ni Panelo.

Malinaw aniya ang nasa dokumento na ‘referred’ at hindi ‘recommended’ o ‘endorsed’ na siyang ginamit ng dalawang nabanggit na online media entity. (Aileen Taliping/Prince Golez)