Matapos na ideklarang panalo sa nakaraang pampanguluhang halalan noong Mayo 11, 2016 si Pangulong Rodrigo Duterte at mapulaan sa maya’t mayang pagmumura sa kanyang mga talumpati noong panahon ng kampanya ay nangako ito na sa sandaling opisyal na maluklok na Pangulo ng bansa ay magbabago na ng pananalita.

Ang Pangulo ay naging kontrobersyal hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi sa buong mundo dahil sa kanyang ­pagmumura.

Sa katunayan ay nagiging pustahan na ng ilan nating mga kababayan ang dami at kung ilang beses nagmumura si Pangulong­ Duterte sa kanyang mga talumpati bagay na nakakalungkot dahil sa halip na ang buod o mensahe ng kanyang speech ang tinututukan ay ang pagbibilang ng pagmumura ang nabibigyang-pansin.

Kaya ang sa amin, baka naman maaari nang iwaksi ng P­angulo ang pagmumura dahil nakakasira ito ng kanyang kredibilidad at umaagaw lamang ng atensyon sa magagandang polisiyang kanyang ipinatutupad­ para­ sa ating bayan.

Dahil din sa pagmumura­ ay kung saan-saang paksa­ humahantong ang mga talumpati ng Pangulo kaya nakakapagbitaw ito ng mga ­salitang sa bandang huli ay kanyang ­ipinanghihingi ng dispensa dahil­ umaani na ng batikos mula sa kanyang kritiko at sa international community.

Kaya hangad namin na sa mga susunod na araw ay isang Pangulong hindi na nagmumura ang bubungad sa ating lahat.

Higit sa lahat dapat ipaalala sa ating Pangulo na isa ang pagmumura maliban sa paglaban sa iligal na droga, krimen at katiwalian ang kanyang ipinangakong hindi na gagawin sa sandaling­ opisyal nang uupong Pangulo ng ating bansa.

2 Responses

  1. nabawasan ang mga droga at addict maliban dun ….yun lang wala ng iba…mas yado ng lumala ang pag mumura nya di nya alintana na may mga bata ring nanonood.