Panganay ni Ogie, SEXY! Malakas ang sex appeal!

PARANG lumabas ang pagka-stage father ni Ogie Alcasid kapag napag-uusapan ang 18-anyos niyang panganay na si Leila Alcasid (anak niya kay Michelle Van Eimeren).
Unti-unti nang napapansin ang beauty ni Leila na mukhang nagkakaroon na rin ng fans.

Nu’ng birthday ng boss ni Ogie sa TV5 na si MVP (Manny V. Pangilinan) ay nandito sa ‘Pinas si Leila at nagbabakasyon. Nanood sila ng concert ng British singer na si Nathan Sykes at kinunan doon ng press ng pictures si Leila, na nag-trending pa yata.

Tapos, sa concert ng misis ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid sa isang mall ay pinagkakaguluhan sa audience si Leila. So, parang nabigla ang bagets at nagugulat sa nakukuha nitong atensyon.

Doon napaisip si Ogs na baka puwedeng ma­ging artista ang eldest daughter niya.
Sey ni Ogie, kuma­kanta si Leila at magaling itong magsulat. Novelist ang peg ng dalaga at may sinulat na itong novel sa school na ang sabi ni Ogie ay grabe, namangha siya nang mabasa niya.

Napatanong siya sa sarili niya ng, “Anak ko ba ‘to?” dahil ang lalim daw ng mga sinusulat nito.
Sa galing magsulat ni Leila, she topped her English class sa University of Sydney at sinabihan ito ng kanyang teacher ng, “You will be a big novelist!”

Proud father syempre si Ogie. At mas proud siya na maraming nagsasabing kamukha ni Selena Gomez si Leila.
“Oo naman, dahil ang tatay niya (Leila), kamukha ni Richard Gomez!” dayalog ni Ogie.

Kahapon sa pa-pocket interview niya for his birthday concert ay tinanong ni Ogie ang mga kaharap niyang press kung puwedeng mag-artista ang anak niya (kahit hindi ito marunong mag-Tagalog).

Ang sagot namin sa kanya ay maganda at malakas ang sex appeal ng anak niya. At sexy ito, base sa mga nakikita naming photos nito sa social media.
“Ayokong marinig ‘yan!” tili ni Ogie, na feeling yata ay baby pa at hindi pa dalaga ang anak niya.

“Eh kasi naman, ‘yung mga damit niya, ‘no! Sabi ko, ‘Anak, tapos na ba ‘yang damit mong ‘yan?’”
Next year ay ipapakilala niya raw sa amin si Leila. Okey kay Ogie ang idea na mag-showbiz si Leila at mukhang okey rin ito kay Michelle.

“Thank God!” ang reaksyon ni Ogie dahil wala na si Leila at ang Australian boyfie nito.
Super-cry sa kanya ang bagets nang mag-break ito at ang nobyo. Naawa siya, pero kaila­ngan nitong pagdaanan ang heartbreak.

Last June to July ay nagbakasyon dito ang daughters ni Ogie na sina Leila at Sarah dahil winter break sa Oz. Kasama rin si Michelle at ang husband nitong si Mark Murrow.
Lahat sila ay nagpunta ng Coron, Palawan. Maulan sa isla, pero enjoy pa rin sila.

Sobrang naka-bonding ni Ogs ang dalawang girls niya, na ang dami pa rin daw hindi alam tungkol sa kanya.
Ayun, tawa nang tawa ang dalawa sa mga kalokohan niya.

***

Ayokong Tumanda ang title ng birthday concert ni Ogie sa Music Museum sa August 26 & 27.
Sa Aug. 27 ang 49th birthday ni Ogs, na sa totoong buhay ay ayaw talagang tumanda at feeling ba­gets pa rin.

Sey ng prolific singer-songwriter, gusto niyang kantahin ‘yung mga dati niyang kinakanta.
Kinuha niya si Direk Floy Quintos bilang direktor dahil bukod sa nami-miss na niya ito, si Direk Floy ang direktor ng mga una niyang concert.

Gusto niyang balikan ‘yung mga ginagawa niya da­ting kabaklaan ‘pag nagsu-show.
‘Yung wild, tapos ay tipong going back to his roots na rin, kaya perfect si Direk Floy.

Next year ay 50-anyos na si Ogie, kaya physically ay ang dami na ring sumasakit sa kanya lalo na sa mga malala­yong biyahe. Pero ‘pag nag-uusap-usap sila ng mga kaibigan niya ay ‘yun at ‘yun pa rin ang pinag-uusapan nila.

Mga totoy pa rin sila at ‘yung mga laruan nila noon ay nilalaro pa rin nila. Kaya embracing midlife but not forgetting the child in you ang concept ng Ayokong Tumanda.

Si Maestro Ryan Cayabyab ang kanyang musical director. Guests niya sina Lara Maigue, Davey Langit, Q-York, Basti Artadi, at ang misis niyang si Regine.

Si Ai Ai delas Alas ay guest niya sa Aug. 27 at may gagawin itong sobrang nakakatawa.