Isang pulis ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan sa isang enkwentro laban sa mga komunistang rebelde kahapon ng umaga sa San Nicolas, Pangasinan.
Sa inisyal na report na ipinarating ni Sr. Insp. Arnold Soriano, hepe ng San Nicolas Police, sa Camp Crame bandang alas-9:25 ng umaga nang sumiklab ang bakbakan habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Philippine National Police Regional Public Safety Battalion (PNP-RPSB) sa boundary ng Barangay Sta. Maria at Malico.
Sa ngayon ay pahirapan ang komunikasyon dahil sa bulubunduking lugar nagaganap ang labanan.
Hindi pa rin matukoy kung may nasawi sa panig ng mga rebelde habang inilagay na sa full alert status ang puwersa ng militar.