Archie Liao

Usap-usapan ang viral video ng reenactment ni Joshua Garcia ng Budoy character ni Gerald Anderson sa kanyang teleserye noon na may kaparehong titulo pagkatapos pumutok ang balita sa relasyon umano nito kay Julia.
Hindi naman malinaw kung saan nanggaling ang nasabing video.

Gayunpaman, maraming­ netizen ang nag-react dito at sinabing baka gumaganti raw ang young actor kay Gerald dahil tipong napaglaruan ito. Naagaw umano sa kanya ang dating Baba.

Matatandaang naintriga rin ang kibitzers dahil ginawang pag-like ni Joshua ng post ni Bea. Tungkol umano ito sa panloloko ni Gerald at palaisipan din ang pagpo-post nito ng “I’m mute” na dinelete din.