Kinakailangan ng mas matalas na Cybercrime Law ayon sa isang kongresista.

Ito ay kasunod ng pagiging talamak ng mobile game app gaya ng ‘Momo challenge’ na nag-uudyok sa maglalaro nito na saktan ang sarili o magpakamatay.

Nagiging laganap na ayon kay Deputy Minority Leader at Aangat Tayo Party-list Rep. Harlin Neil Abayon ang iba’t ibang klase ng kasamaan sa cyberspace.

“There is a need to update the Cybercrime Law (Republic Act 10175) and the Anti-Bullying Law (RA 10627). I noticed that suicide games and bullying on social media are not among the prohibited acts and puni­shable offenses. When these laws were made suicide games and bullying on social media were not yet threats, but now they are,” pagbibigay-diin ni Abayon.

Naniniwala ang kongresista na sa ngayon ay ‘virtually powerless’ ang gobyerno laban sa mga ganitong klase ng banta sa cyberspace dahil sa butas ng kasalukuyang batas sa bansa.

Ang magagawa lamang aniya ay umapela sa Facebook at Google na tanggalin ang mga ‘offensive’ na website.

Bunsod nito, iniimbitahan ni Abayon ang mga eksperto na interesadong tumulong sa pagbalangkas ng mga panukalang batas para masugpo ang kasamaan sa cyberspace.