Ikinabahala ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga militar sa gabinete.
Ayon sa senador, nakakabahala na maaaring magising na lamang ang lahat na nasa pamumuno na tayo ng militar.
“Gigising ba tayo isang araw na nasa pamumuno na tayo muli ng militar?” giit pa Pangilinan.
Itinalaga ng Pangulo si dating military chief of staff retired Gen. Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Gayundin si Gen. Eduardo Ano na itinalaga bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Dahil dito, panawagan pa ng senador sa publiko na maging mapagmatyag habang hangad niya umano ang tagumpay ng pamahalaan.
“We wish the new Cabinet officials good luck as we keep vigilant watch. The success of government is the success of the nation,” dagdag ni Pangilinan.
Si Pangilinan nagpuputak dahil baka isa siyang baka tamaan. Basta wala kang kasalanan hindi ka dapat matakot.
MANG KIKOK….DYAN SA SENADO AT CONGRESS…WALA BA???…..AT HINDI KA BA NATATAKOT!!…HAHAHAHAA
sus kiko tirade mo bulok hahaha
No worries Sen Pangilinan – they’re not in active duty anymore and they were chosen for the job because of their past experience and capabilities. Please stop getting paranoid.