Pangilinan kinapos sa Juniors Chess

Nakuntento sa third place finish si Pinoy woodpusher Stephen Rome Pangilinan matapos yumuko kay IM Paulo Bersamina sa ninth at final round ng 2017 Eastern Asia Juniors Chess Championships kahapon sa Tagaytay City.

Kasalo sa three-way tie sa second si 14-year-old Pangilinan pero matapos ipatupad ang tiebreak ay lumanding sa third. Nakopo ni FM Theolifus Yoseph Taher ng Indonesia ang second place, fourth si Pinoy Daniel Quizon.

Si Indonesian FM Novendra Priasmoro ang nagkampeon sa nilistang seven points sa nine-round, Swiss system event.

Posible sanang magkampeon si Pangilinan kung nanalo siya kay Bersamina pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ng huli.

Lumanding sa seventh si No. 2 seed Bersamina bitbit ang 5.5 points.