Upang malabanan ang illegal numbers game na jueteng, ilulunsad ngayong umaga ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Small Town Lottery (STL).

Sa ilalim ng temang “Bawat Taya, Para sa Kawanggawa,” ipinaliwanag ni PCSO general manager Alexander Balutan Jr. na ang expansion ng operation ng STL ay nag­lalayong palakihin sa P28 bilyon ang kita ngayong taon.

Sa malaking revenue ng PCSO, inaasahan din ani­ya na mapaparami ang bilang ng taong mabibigyan ng tulong medikal at iba pang serbisyo sa mga na­ngangailangan na kapuspalad.
Mayroon lang 18 STL operators sa bansa ngayon pero sa gagawing expansion, lolobo ito sa 56 operators sa buong kapuluan.

Inimbitahan sa launching ng STL ngayong umaga sa Shangri-la Plaza Hotel sa EDSA, Mandaluyong City sina Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, BIR Commissioner Cesar Dulay, COA Chairperson Michael Agui­naldo at iba pang opisyal ng gobyerno.