Dear Sir:

Isang malaking sugal ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA.

Hindi lang siya matapang magsalita ngunit matapang din siya sa gawa lalo na nang pinili niyang makipag-usap sa mga raliyista.

Nakakakaba na para bang eksena sa pelikula ang pagsugal niya sa pagtayo sa harap ng mara­ming kontra sa gobyerno at nagawa niya pang makipagsagutan sa mga ito.

Nakakakaba sa parteng maaa­ring anumang oras ay maaaring may bumaril o pumatay sa kanya habang nakikipag-usap siya sa may entablado.

Ito ang Pangulong tumayo at nanindigan ng buong tapang sa harap ng mga kontra sa kanyang pamamalakad. Sinsero sa kanyang nais ­ipatupad at nais niyang pangaralan ang mga nakikiaklas kuno sa kanyang pamama­lakad.

Buti pa si ­Digong sinsero, e si Joma Sison ayun at laging kuwentong barbero.

JAMAICA REY
Compostela Valley

One Response

  1. Si digong galit na galit sa mga user at pusher. Pero sya hayagan ng gumagamit ng fentanyl na synthetec opiods na 40 times ang tindi sa heroine kpag lagi mo na eto gnagamit. Kya nsaan ang tunay na sinsetidad nya.