Pangulong Duterte sasalubong sa 2020 kasama ng mga apo

Sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon sa piling kanyang mga apo at ang partner na si Honeylet Avanceña.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mamamalagi lamang ang Pangulo sa kanyang tahanan sa Davao City tulad ng nakagawian sa mga nakalipas na taon.

Wala aniyang plano ang Presidente na mag-Bagong Taon sa abroad dahil mas gusto niyang makapiling ang mga apo.

“Doon din. Tinanong ko siya eh kung walang plano. Sabi niya “wala, sa mga apo ko lang,” ani Panelo.

Matatandaang sa piling ng mga anak at unang asawang si Elizabeth Zimmerman sinalubong ni Pangulong Duterte ang kapaskuhan.

Inilabas ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang Instagram ang bonding nilang pamilya kasama si Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)