Panibagong taas presyo sa petrolyo

May nakaambang pagtaas sa presyo ng petrolyo bukas, Martes.

Inaatasang maglalaro sa 90 sentimo hanggang P1 kada litro ang presyo ng gasolina, 70 hanggang 80 sentimo sa diesel at kerosene.

Ang nasabing paggalaw sa presyo ng petrolyo ay bunsod umano ng pabago-bagong presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan kung kaya magpapatupad ng price adjustment ang mga kompanya ng langis sa bansa. (Vick Aquino)