Panic attack kay Joshua palusot lang — promoter

‘Di naniniwala si Eddie Hearn na nagka-panic attack si Anthony Joshua tapos nang ‘di inaasahang pagkasilat kay Andy Ruiz Jr. tungo sa pag-sikwat ng huli sa IBF, WBA at WBO heavyweight titles nitong weekend.

Kumalat ang tsismis sapul nang ilang ulit na mapabagsak ni Ruis si Joshua tungo sa seventh round TKO win at maging unang Mexican na ma-ging world heavyweight champion sa pro boxing.

Pero dinispatsa lahat ng promoter ni Joshua ang mga espekulasyon sa kondisyon ng Briton bago dumayo’t lumaban sa New York.

Ginigiit ni Joshua na gusto niyang umatras sa bakbakan dahil sa kinabahan na bago pa umakyat ng ruweda at pahayag ng ilan na palusot lang ang bagay para sa delayed niyang entrance at nagngangalit na reaksyon ng kanyang ama sa katapusan ng labanan.

Tanggap naman ni Joshua ang palpak niyang diskarte at paghalik sa lona ng apat na beses sa brutal defeat kay Ruiz kaya sinawata ang ang pagkadismaya ng ama na sinubukang komprontahin din si Hearn sa ring pagkaraan.