Marami ang nakapansin sa kakaibang ikinilos ni Blackpink Jennie sa kontrobersyal na meet-and-greet event ng K-pop group sa bansa.
Kita sa mga video na tila hirap itong huminga at ‘di mapakali. ‘Yun pala, inatake umano ito ng panic attack.
Ang panic attack is the abrupt onset of intense fear or discomfort that reaches a peak within minutes and includes at least four of the following symptoms: Palpitations, pounding heart, or accelerated heart rate.
Sweating. Trembling or shaking. Sensations of shortness of breath or smothering.
Sobrang nag-alala ang mga Blink sa kanilang idol!
Nadagdagan pa ang sakit, nang may nag-viral na transcript ng live video kung saan sangkot sina AC Bonifacio, Awra Briguela, at Riva Quenery.
“awra: what happened today was so sick!
“riva: like jennie
“everyone: *laughed*”
Nagpuyos lalo ang mga fan, at tinawag na ang tatlo na mga “Blonks,” at cancelledt na sila sa mga Blink.
Sinubukan namang magpaliwanag ng tatlo, via live video rin, na kesyo na-misinterpret lang umano sila. Sa kakapaliwanag, nakapagbitaw si Awra ng, “Kayo kasi guys, ang sensitive ng fans…”
At lalong nadiin si Awra. Bad shot na siya sa mga Blink. May mga nag-uudyok na i-unfollow na siya sa mga socmed.
By the way, okay na raw ang kalagayan ni Jennie, ayon sa kanyang Instagram story.
jennyrubyjane: “I’m okay 🙂 Love you blinks.” (Jun Lopez)