Panic buying sa alcohol, sabon inawat ng DTI

Kinalma ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko hinggil sa posibleng maganap na panic buying ng mga gamit kontra sakit at pagkain sa harap ng pinangangambahang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa dumaraming kaso ng infected nito.

Kasunod na rin ito ng mga balitang ilang mga Pilipino ang dumagsa sa mga pamilihan para bumili ng mga pagkain at mga panlinis dahil sa pangamba na posibleng i-lockdown ang Metro Manila sanhi ng dumaraming kaso ng COVID-19.

Ani DTI Secretary Ramon Lopez, hindi kaila­ngang mag-panic at bumili lamang ng katamtaman na kanilang kailangan.

Samantala, sinabi naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na hindi puwedeng magtaas ng presyo ang mga pangunahing bilihin sa merkado bunsod ng price freeze matapos ideklara ang state of public health emergency. (Armida Rico)