Dear FURRever FURRiends:

Maraming nagtatanong – Galing ba talaga sa ­exotic animals ang Wuhan Virus? May ­posibilidad bang magkaroon ng Wuhan virus ang aking aso o pusa?

Bago natin sagutin ang mga iyan, alamin muna natin kung ano ba ang virus na ito.

Ang Wuhan Virus (2019 nCov) ay isa lamang sa maraming strain ng ­coronavirus. Ayon sa World Health Organization o WHO, ang mga Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na sanhi ng mga sakit tulad ng simpleng flu hanggang sa mga mas malubhang sakit tulad ng MERS (­Middle East Respiratory Syndrome) at SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome).

Maaari nating sabihin na ‘magkakapatid’ ang MERS, SARS at Wuhan Virus. Lahat po sila ay ­miyembro ng pamilya ng Coronavirus.

Ayon din sa WHO ang mga virus na ito ay ‘­zoonotic’. Ibig sabihin, posible ang animal-to-human transmission. Pero ­bihirang-bihira ito mangyari. Sa kaso ng SARS, ito raw po ay galing sa mga civet cat o alamid habang ang MERS naman ay galing sa camel.

So, nanggaling ba rin sa exotic animal ang Wuhan Virus?

Ang hypothesis ng mga siyentipiko sa WHO ay galing ito sa isang palengke ng mga exotic animals sa Wuhan, China. Hindi pa nila ­natutukoy kung saang hayop ito nanggaling pero ang isa sa mga ­primary suspect ay paniki. Importanteng matukoy po ang source ng Wuhan Virus dahil makakatulong ito sa paglikha ng isang vaccine.

Possible bang magkaroon ng Wuhan Virus ang aking aso o pusa?

Ang sagot ng WHO ay HINDI. Ayon sa kanilang Facebook, walang ebidensya na ang ating mga companion animals ay maaring mahawa sa Wuhan Virus. Ga­yumpaman, hinihikayat tayo ng WHO na ugaliing maghugas ng kamay, gamit ang sabon at tubig, pagkatapos hawakan ang ating mga pets. Ito ay para maprotektahan tayo sa mga ibang karaniwan na bacteria tulad ng E.coli at Salmonella na maaaring lumipat sa atin.

Ayan po ang sagot: Wala po tayong dapat ­alalahanin pag-dating sa ating mga alaga at ang ­Wuhan Virus.

Ito po ang mga panawagan ko sa inyo:

Una, mahalin natin ang ­ating mga exotic animals. ‘Wag ­natin ­silang hulihin, gawing pets o ­kainin. Malaya po dapat sila.

Pangalawa, iwasan ang ­paghawak sa mga exotic ­animal at farm animal nang walang ­proteksyon.

Pangatlo, siguraduhing well-cooked ang inyong pagkain.

At pang-apat, paniki lang ang dapat mag-panic!!! Ang tao ay may talino at tapang para labanan ang mga salot tulad ng Wuhan virus.

Ingat lang po!

Joyce

Photos courtesy of animaldiscovery-chanel.blogspot.com, WHO and Zhou Tianxiao