Panlilio:PH quintet papalakas sa Spain

Panlilio:PH quintet papalakas sa Spain

Darayo ng Spain ang Gilas Pilipinas para umpisahan ang trainin­g bago ang 18th FIBA World Cup 2019 sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Sa PBA Board mee-ting Huwebes ng hapon sa tanggapan ng liga sa Libis, QC isinumite ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang itinerary ng national team sa Spain, kabilang ang sasalihang mini-tournament doon kontra home team, Ivory Coast at Congo.

“Based on the sche-dule we submitted to the PBA, ‘yun ang naka-calendar doon – practice games and a mini-tournament in Spain for the Gilas Pilipinas team,” ani Panlilio.

Rerebisahin muna ang iskedyul ng kasalukuyang Commissioner’s Cup bago mapinalisa ang date ng trip ng Nationals.

‘Di na isinama ng SBP ang Russia sa posibleng training camps ng Gilas dahil isang tune-up game lang umano ang naipangako ng Russian Basketball Federation na pinamumunuan ni dating NBA player Andrei Kirilenko. (Vladi Eduarte)