Kung napapansin ang pagbulagta ng ilang sangkot sa iligal na droga, ang tanong pansinin din kaya ang pagbaba ng bilang ng mga krimeng nangyayari sa bansa?
Hindi ba dapat matuwa ang publiko o ang mga sibilyan dahil ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police (PNP) ay bumaba ng 9.8 percent o katumbas ng 50,817 krimen mula sa dating 56,339 krimeng naitala ng nakaraang taon.
Ang average monthly crime rate ay pumalo ng 49.15 ay bumaba sa 11.51 percent mula sa dating 55.54 porsiyento nakaraang taon.
Ang sinasabing average monthly crime rate ay ang average number ng crime incidents sa isang period of time para sa bawat 100,000 inhabitants kada buwan.
Sa inilabas na figure na ito ng PNP, malinaw na malaki ang ibinaba ng antas ng krimen sa bansa.
Ang magandang pangyayaring ito ay hindi na siguro natin maipagkakaila na nangyayari dahil sa pagkakasukol ng maraming sangkot sa iligal na droga na sa pinakahuling tala ng PNP ay nasa mahigit 700,000 na.
Bumaba ang nangyayaring krimen dahil wala na sa laya ang masasamang elemento sa ating lipunan.
Nasa loob na sila ng kulungan habang ang iba na naging marahas sa pag-arestong nangyari ay nanlaban o kaya ay itinumba na lamang ng dati nilang mga kasabwat sa kalakalan ng iligal na droga.
Sa mga pangyayaring ito, hindi ba dapat matuwa tayo dahil nababanaag na natin ang pagdating ng panahon kung saan ay maaari na tayong makapaglakad sa mga pampublikong lugar nang hindi inaalalang may aatakeng masamang-loob na nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot kaya nakakagawa ng krimen.
Kaya ang sa akin ay makita sana ng mga kritiko ng gobyerno na bumabatikos sa kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno ang mga pangyayaring ito.
Huwag sana nating isara ang ating mga mata sa maganda at ligtas na bansa at gobyernong naghihintay sa atin sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maipagpatuloy nito ang laban sa iligal na droga hanggang sa kanyang pagbaba sa kapangyarihan, anim na taon mula ngayon.
Si D5, CHR, UN, at mga obispo lang naman ang tutol sa war on drugs. Para sa kanila, ok lang na mapatay ang mga ordinaryong tao, huwag lang mga kriminal.
agree ako sa yo madam. mga coddler lang naman ng druglord ang tutol sa ginagawa ni digon at bato at itong CHR na mas kampi sa mga kriminal
korek kau dyan maam