Hi po Attorney,

Good evening po.. Magtatanong lamang po sana ako tungkol po sa mana ng aking tatay. Ibinigay po ng lola ko ang bukid na sinasaka ng tatay ko.

Na-transfer na po sa pangalan nya pero sya po ay single doon sa titulo. May habol po ba ang mga kapatid ng tatay ko? At ano po ang karapatan naming mga anak at sa nanay po namin.

Sana po matulungan nyo po ako. Maraming salamat po. Godbless

Chonzkie

Mr. Chonzkie,

Magandang araw. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa panahon ng pandemya. Dapat mong masiguro kung paano ba iyan napangalan sa tatay mo noong binata pa siya. Ibinigay ba sa kanya dahil mag kaiba ang mabibigay kong sagot depende kung paano ito nakuha ng tatay mo.

Kung binigay lang ng lola mo sa tatay mo ng walang anumang kapalit o bayad ay masasabing donation lang iyan. Kapag nawala na si Lola ay maaaring humabol ang ibang kapatid ng tatay mo at ituturing na ang lupa ay pag aaari pa rin ni lola dahil sa pamamagitan niya ng donation na ginawa niya ay nawalan ang share ng ibang tagapagmana niya. Sa batas kasi natin dapat na pantay pantay ang hatian ng ari arian na naiwan ng magpapamana. Kahit nakapangalan na iyan sa tatay mo ay maaaring ipag-utos ng korte na i-collate o dalhin muli ang lahat ng ari arian bilang estate ng namatay ay hahatin iyon ng pantay pantay maliban lamang kung may Last Will and Testatment kung saan na disinherit ng isang tagapagmana. Ang magiging share ninyo ay kung ano lang ang parte ng tatay mo.

Ngunit kung ito naman ay binili o binayaran ng tatay mo sa lola mo ay wala ng habol ang sinuman… ay kayo na mga anak ng tatay mo at ang nanay mo ang siyang mayroon karapatan sa lupa.

Alamin mo kung kailan kinasal ang nanay at tatay mo… dahil kung bago August 3, 1988 sila kinasal ay covered sila ng Civil Code of the Philippines kung saan ang proeprty na na acquire ng tatay mo na single noon ay magiging parte ng kanilang conjual partnership pero ang luoa ay mananatling sa tatay mo lamang kaya kayong mga anak at ang nanay mo ay hating pantay pantay. Pero kung kinasal naman sila after August 3, 1988 ay covered na sila ng Family Code kaya lang ng ari arian nila kahit nakuha nila ng single pa sila ay parte na ng Absolute Community of Property kung saan 50-50 na ang hati ng nanay at tatay mo.. kaya pag namatay ang tatay mo, mapupunta ang 50 share sa nanay mo at ang 50 share naman ay hahatiin ninyong mag iina ng pantay pantay.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 85142143 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com at mag subscribe po sa aking youtube channel Atty. Claire Castro.