Pantay tayo lahat sa Diyos – Romeo

“No to racism”, ito ang panawagan ni Philippine Basketball Association (PBA) star Terrence Romeo para mahinto ang diskriminasyon para sa mga Black people.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy at kabi-kabilaan pa rin ang pagprotesa kontra racism matapos ang pagkamatay ni George Floyd, isang African-American, na niluhuran sa leeg ng isang white Minneapolis police officer na si Derek Chauvin.

Sa Instagram post ni Romeo kahapon, ipinunto ng San Miguel Beer combo guard: “Kahit maputi ka, maitim or kayumanggi at kahit anong lahi mo, walang mahirap at walang mayaman. Lagi niyo tatandaan lahat tayo pantay-pantay sa mata ng Dios. #alllivesmatter #allblacklivesmatter #stopdiscrimination #notoracism.”

Sa kaagahan ng linggong ito, agsama-sama rin ang PBA Filipino-American players sa pangunguna ng teammate ni Rooeo sa Beermen na si Christopher ‘Chris’ Ross para sa paghingi ng hustiya sa pagkamatay ni Floyd.

Napuno rin sa Instagram mula sa iba’t ibang account ng mga international at local athletes ng post ng kulay itim na imahe para sa #blackouttuesday na parte ng kanilang protesta at pakikisimpatya sa kanilang kalahing walang awing pinaslang ng pulis.

Maging ang maraming player ng National Basketball Association (NBA) at iba iba tulad ni Hll of Famer legend Michael Jordan nakiisa sa panawagan na papangutin ang may sala sa pagpaslang sa kakulay nila. (Janiel Abby Toralba)