Panukalang binitin ibabalik

Masigasig at excited si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa pagbubukas ng 17th Congress sa Lunes.

“Very exciting siyempre, bago ang administrasyon. May bagong pag-asa na hopefully ‘yung mga hindi naipasa noon, maipasa ngayon,”pahayag ni Baguilat sa isang panayam.

Isa sa inaasahang magkakaroon ng katuparan na maipapasa sa 17th Congress ay ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Siniguro ng solon na ang iba pang panukalang batas na mahalaga at nabinbin noong 16th Congress ay muli nitong ihahain ngayon.

Kaugnay ng SONA, sinabi rin ni Baguilat na simple at makabuluhan ang kanyang magiging attire sa State of the Nation Address (SONA).