Anne Lorraine Gamo
Isang panukalang batas na magpapalawig sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps ng gobyerno ang inakyat na sa plenary ng Senado para maaprubahan.
Kinumpirma ito ng Senate committee on social justice, welfare and rural development na pangunahing nagrekomenda ng pagsasabatas ng Senate Bill No.
2117 o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act.
Inilarawan ang 4Ps bilang “the national poverty reduction strategy program” at “a human capital investment program” na tatagal ng halos 7 taon upang mapabuti ang kalusugan at edukasyon ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ang mga mahihirap na pamilya ng educational at health cash grants kada buwan.
Nasa P300 ang ibibigay kada buwan sa bawat batang enrolled sa day care at elementary school, habang P500 kada buwan sa bawat bata naman ang ibibigay sa enrolled sa junior high school, at P700 kada buwan sa bawat bata na enrolled sa senior high school.