Panununog ng NPA kinondena

Letter To The Editor

Dear Sir:

Kinondena ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang ginawa ng New People’s Army na panununog sa Lapanday Foods Corporation at iba pang mga iligal na aktibidad nito.

Dagdag pa niya talagang hindi mapagkakatiwalaan ang mga ito kahit na nag abot siya ng pagkakataong sumuko na sila.

Sa nangyaring ito maraming empleyado ang apektado at nawalan ng trabaho. Nabiktima ng walang isip at walang konsensiyang rebeldeng grupo. Damay na ang mga pamilya nilang umaasa sa kabuhayan na dala ng mga planta na sana ay makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Tila hindi naiisip ng mga rebeldeng ito na tulad nila ang kanilang mga biktima ay mayroon ring pamilya. Pamilya na sana ay namumuhay ng matiwasay.

Sana ay mag isip muna sila na tulad nila nais rin ng mga naghihirap na Pilipino ng pagbabago ngunit hindi tulad ng pamamaraan nilang armado.

Nikki R. Pabulayan
Fort Bonifacio Taguig

EEZ di pa napapanahon

Dear Sir:

Itong dalawang senador na gustong igiit ang ating “sovereign right to exploit resources within its exclusive economic zone (EEZ)” ay tila naghahamon ng away sa China.

Sabi nga ni Pangulong Duterte hindi pa napapanahon na igiit natin ang ating sovereign right sa ngayon. Eh, kung totohanin nga ng China ang giyera laban sa atin. Yang dalawang senador nayan ang siyang unang-unang aalis ng bansa natin dahil meron silang pasaporte sa ibang bansa kapag may digmaan na nga rito sa atin.

Tayo maiiwang tila isang manok na handang katayin. Tiyak ubos ang lahing Pilipino dahil isang missile lang tunaw na tayo.

Kaya cool lang kayo. Mas magandang daanin na lang natin sa papel kaysa makipagdigmaan tayo sa China na talagang wala tayong kalaban-laban.

Tama si Pangulo, isang massacre ang mangyayari sa lahing Pilipino. Ayaw niyang mangyari iyan.

RONNIE A. PASCUAL
Caloocan City