Paolo, bubulwak ang luha at sipon!

Paolo Contis
Chris Martin ng COLDPLAY
Chris Martin ng COLDPLAY

NGAYONG gabi na ang Coldplay concert sa MOA Concert Grounds.

Dumating sa bansa ang sikat na British rock band nu’ng Linggo at ang tumiti­ling post ni Paolo Contis sa Instagram ay, “Chriiiiiiis!!! Nandito ka na pala ‘di ka man lang nagsabi para nasundo kita agad.!!! Nahihilo ako!! #ColdplayInManila #IiyakAkoPramis #HindiKoKaya

“Ready ka na ba,  Mahal @lj_reyes???? Ako yata hindi paaaaa!!! @dongdantes totoo na ‘to brader!!!”

May dagdag pang comment si Paolo para sa nobya niyang si LJ na, “Ihanda mo na rin tissue para sa luha at sipon ko, ha??”

Hindi namin sure kung kasamang manonood ni Paolo si Dingdong kaya niya ito binanggit o bigay ni Dong ang Coldplay ticket niya.

Ang daming celebrities na magdadagsaan sa nasabing concert mereseng mahal ang tiket at nakatayo lang sila sa mala-parking lot na open air venue ng MOA.

Ang Coldplay fanatic na si Maine Mendoza ay nakita naming may hawak na tiket na mukhang bigay ni Direk Mike Tuviera.

Si Jerald Napoles na isa sa mga dumayo sa Singapore para panoorin ang Coldplay concert ay parang hindi maka-move on at walang humpay ang pagri-rave sa sikat na banda!