Paolo Contis, tatay na tatay ang peg kay Aki

lj-aki-paolo

AWKWARD moment siguro kung dumating si Paulo Avelino sa 7th birthday party ng anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

Ang nobyo kasi ni LJ na si Paolo Contis ang isa sa punong abala sa party at ma­tiyagang nag-estima ng mga bisita.

Feeling namin, baka nagkaroon pa ng eksena kung umapir si Paulo sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis nu’ng Sabado dahil si Paolo ang mabubungaran niya.

Bilib kami kay LJ dahil obvious na ginastusan niya ang big party ni Aki at hindi biro ang magpa-event sa panahon ngayon na pabonggahan ang mga children’s party.

Nang usisain namin kung nasaan ang fadir ni Aki, ang kaswal na sagot sa amin ni LJ ay baka may trabaho ito nu’ng araw na ‘yon.

Nang i-push pa namin ang tanong ay ayaw na niyang mag-comment dahil sobrang happy raw nilang mag-ina that day.

Ang alam namin ay matagal nang walang paramdam si Paulo kay Aki, kaya hindi na kami nagtaka sa non-appearance nito sa party.

In fairness ay mukhang hindi naramdaman ni Aki ang absence ng biological father niya, dahil nandu’n ang kanyang Tito Paolo na tatay na tatay ang peg kay bagets.

It’s a good thing na very close si Paolo sa anak ni LJ, so may tumatayong father image sa buhay nito.

Nu’ng Monday ang actual birthday ni Aki, pero waley ring paramdam si Paulo.

Ang sabi sa amin ni LJ ay may pasok si bagets sa school nu’ng araw na ‘yon.

Kung nagpasabi siguro si Pau na hihiramin o ipapasundo nito si Aki, fee­ling namin ay hindi ito ipagdaramot ni LJ.

Sa Instagram post ni Paolo nu’ng Lunes na gini-greet nito si Aki, ‘pag nakita mo ‘yung pics ng dalawa ay iisipin mong ito ang tunay na ama ng bata.

Kung okey sana ang relasyon nila ni LJ, ang ganda sanang makita na darating si Paulo sa party ni Aki na kasama nito ang girlfriend nito, tapos ay chika-chika silang lahat gaya ng ibang modern couples na may kanya-kanya nang karelasyon.

Kaya lang ay hindi ganu’n ang sitwasyon kaya waley naganap na ganu’n.

Kahapon sa isang interview ay inamin ni Paulo na sila na ng Fil-Aussie model na si Jodie Elizabeth Tarasek, na madalas makitang kasama niya sa mga pic at video sa social media.

Ipapa-meet kaya ni Paulo kay Aki ang Tita Jodie nito?