Paolo at Eugene, matunog na best actor at best actress

Paolo Ballesteros

NABASA ni Paolo Ballesteros ‘yung rebyu namin ng Ang Babae sa Septic Tank 2 kung saan sinabi naming may laban sa pagka-Best Actor ang co-star ni Eugene Domingo na si K­ean Cipriano.

Kaya lang ay may kabogerang Paolo sa Die Beautiful, kaya nu’ng magkita kami nu’ng isang araw ay sinabi namin kay Pao na sure namang siya ang mananalo sa MMFF awards night.

Aminado si Pao na iba pa rin siyempre ‘yung manalo ka ng award dito sa bansa mo, pero ayaw niyang humopia porke nag-Best Actor siya sa 2016 Tokyo International Film Festival para sa Die Beautiful.

Sey ni Pao, lagi siyang hopeful at optimistic na tao, pero ayaw niyang nag-e-expect.

Kung hindi man siya manalo ay ganu’n talaga dahil kompetisyon ‘yon.

Hindi raw niya in-expect na mananalo siya ng award sa Tokyo, ginawa niya lang ang best niya sa role ng transwoman na si Trisha Echeverria.

Kung passion project ni Direk Jun Lana ang Die Beautiful, kay Paolo ay very personal din nito dahil bukod sa may anak din siya sa totoong buhay gaya ni Trisha, hindi lang siya artista rito kundi makeup artist din.

As in siya lahat ang nag-makeup sa sarili niya na inaabot nang ilang oras ang bawat makeup transformation.

At ‘yung mga bakas ng packing tape sa katawan niya ay forever nang nandu’n dahil ayaw na raw matanggal.

Na-inspire si Pao na gumawa pa ng mga ganitong pelikula lalo na nang ma-recognize siya abroad, pero lagi niyang sinasabi na priority pa rin niya sa lahat ang Eat Bulaga.

Malakas ang kutob namin na si Paolo ang magwawaging Best Actor at si Uge ang mananalong Best Actress (para sa Septic Tank 2) sa MMFF awards night.

Sana ay makapunta si Pao sa g­abi ng parangal dahil mukhang may mahalagang bagay siyang kaila­ngang asikasuhin pagkatapos ng Pasko.

Ang beautiful ng eksenang ‘yon na makitang parehong tumatanggap ng tropeo s­ina Pao at Uge.

Ang next internatio­nal filmfest na pupunta­han niya pagkatapos ng Japan ay sa Italy.

Taray, Europe-bound!

Sabi sa amin ni Pao, dahil R-13 ang rating na ibinigay ng MTRCB sa movie niya, ang mapapanood sa mga sinehan si­mula sa Pasko ay ‘yung international version na ipinalabas sa Tokyo.

Mataginting na Gra­ded A ang Die Beautiful ng lahat ng miyembro ng CEB.