Sa “Count to 10” segment ng “Studio 7”, inintriga ni Paolo Contis si Sanya Lopez. Ito’y tungkol sa Kapamilya actor na umano’y nali-link dito.
Nagbigay rin ng clue ang kuwelang host tungkol sa identity ng nasabing hunk actor.
Sey ni Paolo kay Sanya: “Sa huli mong marathon event ay na-ispatan ka raw na may kasamang aktor mula sa kabilang network. May chance bang nagpaparamdam sa iyo ang aktor?”
Dagdag na hirit pa niya: “Baka nagpaparamdam siya sa’yo kasi mahilig siya mang ghost e. So baka nagpaparamdam siya sa’yo?”
Idinenay naman ng “Dahil sa Pag-ibig” star ang umano’y namumuong romansa sa kanila ng hindi pinangalanang aktor ni Paolo.
Gayunpaman, marami ang nag-react sa tsika na ito dahil maraming netizen ang nakahula dahil spotted si Sanya kasama si Gerald Anderson sa huling marathon event ng Skechers kung saan ang ex ni Bea Alonzo ang isa sa mga endorser. (Archie Liao)