Paolo, mas DIVA kina Nora at Uge

Paolo Ballesteros

HAVEY: Encouraging ng response ng ating mga kababayan sa Countdown To The MMFF 2016.

Pagkatapos ng announcement ng official 8 entries, ito ang kick off ng promo ng mga pelikulang kasali sa taunang filmfest.

Dumalo ang mga bida ng official entries sa SM North EDSA Skydome maliban sa Sunday Beauty Queen na documentary tungkol sa mga OFWs sa Hong Kong.

Maaga pa lang ay nasa venue na sina Rhian Ramos at TJ Trinidad at ang co-stars nila sa Saving Sally.

Maaga ring dumating ang taga-Seklusyon kasama sina Dominic Roque, Lou Veloso at pagkatapos ay si Ronnie Alonte at iba pang cast members.

Maaga pa lang, dumating na rin ang dating Superstar Nora Aunor kasama si John Rendez at pagdating ng ilang sandali ay nakasama na rin niya si JC de Vera na anak niya sa pelikula.

Dumating din si Irma Adlawan kasama si Biboy Ramirez at ilang cast members ng Oro.

Hinanap ng movie press si Mercedes Cab­ral ngunit may shooting daw ito kasama si Joem Bascon.

Dumating si Eugene Domingo na bida ng Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough with Joel Torre.

Para sa Vince and Kath and James, dumalo sina Julia Barretto with Ronnie Alonte and Mariz Racal.

Sino ang nahuli sa pagdating sa Skydome?

Walang iba kundi si Paolo Ballesteros na nanggaling pa sa Pampanga mula sa JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN ng Eat Bulaga.

Kantiyaw namin kay Pao (na nagkaroon ng surprise birthday celebration prepared by the Die Beautiful team kasama sina Direk Jun Lana, IC de Mendoza, Christian Babbles, Lou Veloso at maraming pang iba.

Sa tagumpay ng naturang pagtitipon, magkakaroon ng 2 pang mall road show sa Dec 11 at sa Dec 19, sa SM San Lazaro and SM Bicutan respectively, parehong sa Activity Center.

Bukod sa parada, maganda at nagsasama-sama ang lahat ng entries para itaguyod ang MMFF 2016.

***

WALEY: Sana ay tumigil na ang ilang tao sa pagkakalat ng misinformation at duda sa tagumpay ng mahuhusay na entries.

In keeping with the positive and celebratory tone which I have always espoused, this much I can say and clarify for now.

#1 TULOY ANG PARADA sa December 23, 2016.

Manila Mayor Joseph Estrada (and MMFF stalwart) has volunteered Plaza Miranda in Manila as the culminating venue. We are having a courtesy call to him ngayong hapon para ayusin ang logistics at planuhin ang parade route which will start at the Luneta grounds at magtatapos sa Plaza Miranda sa Quiapo.

#2 BONGGA ANG JURY MEMBERS.

Esteemed and well-respected ang members of the MMFF 2016 Jury.

One of them is a fo­reign festival programmer who is very pleased with the renaissance in Philippine cinema.

#3 PINAAGA ANG AWARDS NIGHT.

‘Yung awards night na December 27 ay ginawang Enero 8 sa pagtatapos ng festival.

Na-move (na naman) ang awards night to December 29 at the Kia Theater.

#4 OPEN ANG JAN­UARY 3 PLAYDATE SA IBANG NA-SUBMIT AT HINDI NATANGGAP NA MMFF ENTRY.

We have heeded the call of the other MMFF entrants and have extended to them the playdates after January 3 to exhibit their films.

Any change will being about various reactions; but instead of showing dissonance, let us embrace change with an open mind and an open heart.

IPAGPATULOY NATIN ANG PAGSUPORTA SA PELIKULANG PILIPINO.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.