HAVEY: Natuloy ang 35th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines sa Resorts World Manila noong Sabado.
Walang masyadong ingay at interes ang publiko sa awards ceremonies na may television coverage pala na ipapalabas sa IBC 13 this coming week.
Kaya nang mag-report ang aming kaibigang Gorgy Rula sa aming programang Level Up: Showbiz Saturdate, NR (as in No Reaction ang mga tao sa Luna Awards — akala pa nila, baka award sa birthday ng anak nina Juday at Ryan) — at ang pawang wild choices ni Sol Gorgonio Rula with Die Beautiful and Hasmine Killip winning ay tumama except for the Best Actor na si Paolo Ballesteros na nasira na ang chance na magkamit ng Grand Slam Best Actor award.
Hindi rin nagkatotoo ang sitsit na baka manalo rin si Aljur Abrenica (Hermano Pule) sa pagka-Best Actor.
Ang nagwagi ay si Bembol Roco sa Pauwi Na.
Heto ang listahan ng mga magsipagwagi.
Best Picture: Die Beautiful
Best Direction: Jun Lana for Die Beautiful
Best Actor: Bembol Roco (Pauwi Na)
Best Actress: Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo)
Best Supporting Actor: Christian Bables (Die Beautiful)
Best Supporting Actress: Chai Fonacier (Patay Na Si Hesus)
Best Screenplay: Rody Vera for Die Beautiful
Best Cinematography: Lee Briones-Meily for Ignacio de Loyola
Best Production Design: Leo Velasco Jr. (Ignacio de Loyola)
Best Editing: Benjamin Gonzales Tolentino (Die Beautiful)
Best Musical Score: Ryan Cayabyab (Ignacio de Loyola)
Best Sound: Albert Michael Idioma (Ignacio de Loyola)
After the Luna Awards ng Film Academy of the Philippines, susunod next week ang PMPC Star Awards for Movies na hiwalay pa ring kategorya sa indie at mainstream na pelikula.
Na-curious din lang ako, alam kong si Direk Mike de Leon ang nilalakad ng grupo na bigyan ng Lifetime Achievement Award pero ngayo’y naging si Direk Joel Lamangan na.
Of course Direk Joel, with all his achievements deserves it too, pero ano kaya ang nangyari kay Direk Mike, who had the history of not accepting the Natatanging Gawad Urian, too?
Oh well, at least consistent siya, ha!
***
WALEY: Still on our special edition of LEVEL UP last Saturday kung saan nakasama ko si BBC World News Anchor Rico Hizon, Kapatid and Kapamilya Anchor Jove Francisco and Radyo Inquirer News Director Arlyn dela Cruz, naging maganda ang tribute namin sa Gawad Plaridel Awardee na si Tina Monzon-Palma.
Nagkaroon din ng segment ng pag-alala kay Amelyn Veloso, ang news reporter-anchor ng IBC 13, TV5, Solar News Network, 9TV at CNN Philippines na namatay dahil sa breast cancer na kumalat na sa liver at inilibing kahapon.
Masaya rin ang punchline na tungkol sa anchors ng iba’t ibang networks, at nagkakaisa ang lahat na ang junior anchors to watch out for ay sina Chiara Zambrano at Jeff Canoy, Atom Araullo at Mitzi Borromeo.
Bagama’t bitin at puwede pang mag-Part 2 ng tsismisan tungkol sa mga news personalities — lalo pa’t nabuko na dati palang girlfriend ni Rico Hizon si Karen Davila, at dating magkatapat sina Jessica Soho at Chari Villa, at driver pala si Julius Babao sa GMA 7 noon habang nasa graveyard shift.
Naging masaya ang diskusyon hanggang sa mabanggit ang dalawa sa hinahangaan nating broadcasters na may iniindang karamdaman — isang may breast cancer at isang may late stage na ng Alzheimer’s.
Parehong malapit sa puso ko ang mga broadcaster na ito at malaki ang pasasalamat natin sa mga ito dahil dalawa sila sa pinakamagagaling sa ating industriya.
Patuloy natin silang ipagdarasal.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.