BALIK-Eat Bulaga na kahapon si Paolo Ballesteros.

Lifted na ang 6-month suspension ni Paolo, na nagsi­mulang ‘magbakasyon’ mula sa show nu’ng Marso matapos ang kanyang rants sa social media.

Happy na ulit ang Paololicious fans dahil bumalik na si Pao na anim na buwan ding na-miss ng EB viewers at ng Dabarkads.

Sakay ng isang trak si Paolo kasama sina Jose Manalo,­ Wally Bayola at Maine Mendoza at bumabanat ng Where is the Love? ng Black Eyed Peas nang umentra sa ‘Juan for All, All for Juan’ segment na nasa isang barangay sa Pasig kahapon.

Kumpleto na ulit ang JoWaPao. Biro ni Jose, abangan next week kung sino ang mawawala.
Hindi na nag-ayos Lola Tidora si Pao dahil waley nang Kalyeserye simula kahapon.

‘Yung ‘Sugod Bahay’ na lang ang segment ng JoWaPao kasama si Meng, habang nakaupo sa panel sa studio si Alden Richards­ kasama sina Allan K at Tito Joey de Leon.

Back to normal na ang tatlong barangay boys. Waley na ang mga karakter nila bilang lola.
In fairness kay Paolo ay naging productive siya habang hindi siya napapanood sa Eat Bulaga.

Jose, Paolo, Maine at Wally
Jose, Paolo, Maine at Wally

Natapos na niya ang kanyang LGBT movie na Die Beautiful, tapos ay ginagawa niya ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? with Anne Curtis & Dennis Trillo, at ‘yung Enteng Kabisote 10 and the Abangers with JoWaPao din at Bossing Vic Sotto.

Emosyonal at teary-eyed si Pao nang i-post niya sa social media ang teaser ng Die Beautiful.
Aniya, bukod sa mahirap ang maging bida­ sa pelikula, ang hirap ng karakter niyang si Trisha,­ na nagkaroon siya ng blisters dahil sa ‘hours and hours of packaging tape for Junjun.’

Tapos ay siya mismo ang gumagawa ng kanyang makeup transformations sa movie, na minsan ay ginagawa niya sa harap ng kamera at 3:00 AM.

“But it was always a happy set. Too happy that I was always looking forward to the next day of filming.

“It’s because everyone gave his heart and soul to this film. Endured everything because everyone was inspired with what a beautiful story we have to tell…

“We can’t wait to show you our Beautiful film. World premiere soon,” ang sabi ni Paolo sa kanyang post.

May teaser na rin ‘yung Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? na pamhinta naman ang role ni Pao.

Sa Enteng 10 ay may pinost na pic si Pao na naka-Joan Collins look siya as Lola Tidora.
Tuloy pa rin ‘yung mga makeup transformation ni Paolo, na ngayon ay nila­lagay na niya sa kanyang bagong YouTube channel.

Ang huli niyang ginaya ay sina Melania­ Trump at Tiffany Trump, na plakado niya pareho.
Ang daming nagre-request na gayahin din ni Pao ang US presidential candidates na sina ­Hillary Clinton at Donald­ Trump.

Abangers ang lahat kung kailan niya ito gagawin.

Ang taray din ni Paolo dahil may ipinapagawa siyang bahay sa isang subdivision sa Antipolo City.

Nu’ng isang araw ay nag-post siya na kuha sa site ng kanyang future house, na mukhang sinimulan nang lagyan ng pundasyon dahil ang caption niya ay, “Happy Foundation Day! May God bless our contractors and new home.”

Sa Pasig nakatira ngayon si Pao kasama ng kanyang mga ala­gang pusa na katabi niya sa pagtulog.