Pinipilit umanong isangkot ng mga anti-Duterte group ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa katiwalain sa Bureau of Customs (BOC) upang makaupo si Vice President Leni Robredo.

Ayon ito kay Senate Majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto kasabay pa ng pagsasabing marami na umaano ang nag-aagawan ngayon para maging vice president ni Robredo.

Sinabi ni Sotto, dahil umano sa hamon ng Pangulo na magre-resign siya oras na mapatunayan sangkot ang kanyang anak kaya pinipilit ngayon ng anti-Duterte group na idawit sa katiwalian ang anak nito.

“Sabi niya (Pangulong Duterte) pag napatunayan mag-reresign siya, si Leni Robredo na president natin, eh tuwang tuwa naman ang iba kaya pinipilit nilang i- corrupt si Paolo para mag-resign si Presidente,” ayon kay Sotto.

Sinabi pa Sotto, kapag nakaupo si Robredo ay mag-aappoint ito ng kanyang bise at lumalabas na may apat o limang pangalan umano na nag-aagawan ngayon para maging bise na ilan dito ay mula sa Senado ngunit hindi naman pinangalanan.