Marami ang napabilib ni Paolo Ballesteros sa kanyang ginawang panggagaya sa kontrobersyal na beauty queen na si Ms. Spain Angela Ponce.
Nag-share kasi ng transformation photos ni Ms. Spain si Paolo na ipinost niya sa kanyang social media account.Marami ang bumilib kay Paolo dahil kuhang-kuha nito ang nasabing transgender beauty queen .
Effective ang ginawa niyang panggagaya na kumpleto pa ang outfit with matching sash.Suot ang nasabing costume, binati rin nito si Catriona sa kanyang pagkapanalo bilang Ms. Universe kaya marami tuloy ang nalito at napagkamalan talaga siyang si Angela.
Hindi ito ang unang panggagaya ni Paolo sa mga beauty queen.Ginaya na rin ng Makeup Transformation King sina Catriona Gray, Iris Mittenaere at Demi Leigh Peters.Maging si Ms. Venezuela na si Stefany Gutierrez, ang second runner up ay ginaya rin niya ang hitsura.
Archie Liao