Paolo uriratin sa pagpa-panty

Ang ­Transformation Queen Paolo Balles­teros yata ang buhay na patotoo sa matandang kasabihan na “what you see is what you get.” Bakit kaniyo? May pag-amin daw kasi ito tungkol sa kanyang sexual orientation sa “The Panti Sisters” press payanig.

Juice colored! Kaila­ngan pa ba paaminin kung happy sa pagiging “lady” o ecstatic siya sa pagiging “one of us” eh nagmumura na naman ang ­katotohanan?

Si Paolo ang “pinakamagandang” comedian sa ­kasalukuyan at ‘pag naging “babae” ang ­styling at packaging, talaga namang oh-la-la ang ating kapatid.­

Ngayong si Ballesteros eh sinambit na ang dapat sambitin, umaasa ba ang sangkabekihan na may domino effect ang pagpapa­katotoo? One day, isang araw ba, si this and that hombre, na may alegasyon na maaaring lumuluhod din nang walang belo, lumulunok ng milk of human kindness, na puwedeng pure top, power bottom or versa eh isasambulat na rin na he enjoys being­ gay?

Maliban kina Paolo at Mark Bautista na dati ay laging sinasama sa mga bulag na chikang ka-federacion, ila­lathala na ba natin ang listahang pink?

Huwag na! Hayaan na natin silang magkusang palo.

Ang mas magandang uriratin kay Paolo ay una, kung siya ba ay talagang nagpa-panty, anong color at brand? Kung sa kanyang mga ex, may panty na bang iniregalo sa kanya at kung sino sa mga ito ang ­naging mapangahas na nagsabing siya ang magsusuot­ ng panty kay Ballesteros?

Ang huling nabalitaang partner ni Paolo ay si Kenneth Gabriel Concepcion. Lahat ay nagsasabing perfect ang hombre para sa kagandahang tulad ni Ballesteros. Kung bakit ito nauwi sa hiwalayan, sila lang dalawa ang nakakaalam.

Kay Kenneth kaya, all mine to give siya, ibinigay at nilunok niya ang lahat?
Dahil nga bukas na aklat naman ang pag-amin na “seloso” siya at “loyal” siya sa pakikipagrelasyon, sa naunsyami nilang closeness ni Sebastian Castro dati, dama niya bang hindi nito keri ang maging “loyal” at “selos” kaya ang factor kaya gone with the wind at gone in 60 seconds sila, agad-agad?

Eh ang unang napabalitang super ex niyang si Roland Anog na may identical pa-tattoo pa sila, ano kayang aral ang natutuhan ni Ballesteros sa kanilang paghihiwalay at romansang hindi rin katagalan?

Kaya ang dapat na pangmalakasang tanong para sa the most beautiful of them all, mahirap bang mahalin­ ang isang Paolo Ballesteros?

Hiwalayang MarNigo gamit sa paandar

Break-up na ba talaga ang best PR angle para sa isang pelikula? Kasi nga, itong si Maris ­Racal at Iñigo Pascual (MarNigo), gamit na gamit ang paghihiwalay nila bilang paandar.

Siyempre, hindi naman kasalanan nina Racal at Pascual na ang hiwalayan nila ang mapag-usapan at kung sino ang maaari nilang mahalin in the ­nearest future dahil ganu’n ang mga tanong. In fairness to the two millennials, very intelligent ang kanilang mga sagot. Walang halong pag-iimbot at buong ­katapatan palagi at laging magalang.

Ang pangmalakasang tanong, ano kayang ‘L’ ang kulang kaya hindi naging subok na matibay, subok na matatag ang relasyon nila?

Lambing? Parang pareho naman silang affectionate, individually at personally?

Landian? Siguro naman may mga flirtation silang ginawa, lalo na nga’t in their early 20’s lang ang dating magsing-irog.

Libog? Ang diva that you love, sure na si Iñigo ay may hatid na libog. Ewan ko lang kay Maris dahil nga hindi naman ako lesbian at ang sexual preference ko ay kapwa lalaki, ang mga barakong totoo ang makakasagot kung may nabubuhay na libog sa kanilang mga kaibuturan ‘pag kanilang pinagmamasdang maigi si Racal.