PLAKADO ni Paolo Ballesteros si Gal Gadot na bida sa pelikulang Wonder Wo­man.

Level up na ang makeup transformation ni Paolo dahil kinuha siyang endorser ng ASUS ZenFone Live smartphone para ito ang gamitin niya kapag nagmi-makeup transformation siya.

At mas bongga na rin ang drama ni Pao dahil nila-live niya sa Facebook ang kanyang makeup transformation.

Kung dati ay ‘yung finished product na picture lang ang pinu-post niya, ngayon ay may step-by-step live video siya sa FB.

Ang sabi sa amin ni Pao ay 3 months ang kontrata niya sa ZenFone with 2 makeup transformations.

Ang una niyang ginaya ay si Kylie Jenner, pangalawa si Gal Gadot.

Kopyang-kopya ni Pao ang fezlak ng Israeli actress-model na bida sa much-awaited superhero movie na parte ng Marvel Cinematic Universe.

75 years ang inabot bago nagkaroon ng sarili niyang pelikula si Wonder Woman.

Nagsimula bilang comic-book character, tapos ay naging TV series nu’ng ‘70s na pinagbidahan ni Lynda Car­ter, ngayon lang mapapanood sa big screen ang Amazon princess na si Diana Prince a.k.a. Wonder Woman.

Gal Gadot
Gal Gadot

Sa June 1 ang showing sa mga sinehan sa ‘Pinas ng Wonder Wo­man, na umani ng glowing reviews mula sa film critics na unang nakapanood nito.

In fairness ay hindi lang basta ginaya ni Paolo ang hair and makeup ni Wonder Woman, may suot din siyang signature tiara nito at indestructible bracelets na ginagamit nitong panang­ga sa mga bala.

Kumpleto ang look ng Amazonian superheroine kaya wapak na wapak ang pagka-Wonder Woman ni Pao.

After ng hit movie niyang Die Beautiful nu’ng MMFF 2016 ay may follow-up movie na si Paolo.

Ginagawa niya ang My Amnesia Love sa Viva, na nag-location shoot pa sila sa Sugui­cay Island sa Mindoro.

Kasama rito ni Pao si Yam Concepcion at may kissing scene silang dalawa.

3 Responses