Papa-change oil ka ba?

Kailan ba talaga dapat magpa-change oil? Kailan ko dapat palitan ang radiator coolant ko? Palitin na ba ang transmission fluid ko?

Ilan lamang ito sa tanong ng mga first time na nagkaroon ng sasakyan at wala pang karanasan sa pagmamaneho at pagmantini ng kanilang mga awto.

Unahin natin ang change oil- Sa ngayon, tatlong klase ang engine oil na kadalasang iniaalok ng mga auto shops at maging ng mga casa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng fully synthetic, semi-synthetic at ordinary oil lamang.

Sa fully synthetic, aabot ng hanggang 10 libong kilometro ang matatakbo ng awto bago sumalang sa susunod na change oil pero ito rin ang pinakamahal sa tatlong klaseng oil na nabanggit ko sa taas at kadalasang ginagamit sa mga pang-long drive na mga sasakyan.

Ang semi-synthetic naman ay nasa 7 libong kilometro ang average na tinatakbo bago muling magpachange oil pero kadalasan ay hindi ito napipili dahil sa kaugaliang “kaunti lang naman ang diperensiya sa presyo, mag fully synthetic na ako.”

Ang ordinary oil naman ay 5 libong kilometro ang kailangang takbuhin bago sumalang sa change oil kaya kung laging patayan o malayuan ang biyahe, hindi ito rekomendado ng mga matitinong mekaniko.

Hindi lang langis ang kailangang palitan kapag nagpapachange oil dahil obligado rin ang may-ari ng sasakyan na baklasin ang oil filter na ikinabit kasabay ng langis na tinanggal dahil dito naiipon ang latak.

Dati, sa hangarin kong makatipid, pinilit kong huwag nang palitan ang oil filter kaya pagdating ko sa bahay, nang tingnan ko ang kulay ng langis sa deep stick ay hindi na nalalayo sa mantika na ipinamprito ng tuyo kaya kailangan talagang palitan ito kasabay ng change oil.
Meron ding iaalok na flushing solution ang ilang shops at kung me extra din naman ang magpapachange oil, mas magandang gamitan na rin nito ang sasakyan.

Ang flushing solution ay inilalagay sa makina at sa daanan din ng langis pinapadaan bago pa man tanggalin ang lumang langis at papaandarin ito ng naka-idle lamang para pag-bleed ng lumang langis ay kasamang lalabas ang mga natitira pang latak na hindi kumapit sa filter.

O ayan medyo napahaba na tayo sa topic na ito, sana ay nakakuha kayo ng kahit na basi tips man lamang sa pagpapachange oil.

Kuwentuhan tayo online, add niyo ako sa FB, @Carlito Evangelista.
Ayos ba?