Wala pa sa kalahati sa may 43.3 million labor forces sa Pilipinas ang nagbabayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) kaya hindi nakakapagtakang maiksi ang buhay ng pension fund.
Ito ang rason kaya hinamon ng isang dating mambabatas na si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pamunuan ng SSS na paigtingin ang pagkolekta sa SSS contribution.
Problemado kasi ngayon ang SSS dahil walang maipantustos sa isinusulong na P2K pension hike sa SSS pensioners.
Sabagay alinsunod sa datos nasa 11.8 milyong miyembro ng SSS lamang ang nagbabayad ng kontribusyon sa kabuuang 43.3 milyong workforce.
Naniniwala ang mambabatas na kung maitaas ng SSS ng hanggang 16 million mula sa 11.8 million na magre-remit ng SSS contribution ay hahaba ang buhay ng mga ito mula 5 taon hanggang 7 taon.
Sana ay ikunsidera ng SSS ang suhestyong ito na sa aming palagay ay katanggap-tanggap at patas para sa lahat ng miyembro.
Para sa amin hindi mababangkarote ang SSS kung aayusin ang koleksyon at investment nito bukod siyempre sa pagpapalakas sa koleksyon.
ANG MGA CONTRACTUAL JOB D DAPAT BIGYAN NG EXtention all of them are POLITICAL APPOINTEES ONLY THOSE WITH CIVIL SERVICES EXAM PASS MUST BE REMAIN..
Ang sss ay para sa mga matatanda dapat, bakit di na lang ilagay yan sa medicare lahat or sa phil health para nmn mkalibre ng pagpapagamot ng matatanda na siyang tunay na kailangan. makinig yung may pandinig, yung wala ay manahimik.