Dear Kuya Rom,

Just call me Fernan, 23 years old. May girlfriend akong maganda. Hindi kami nakapagpigil sa sex. Muntik na siyang mabuntis.

Siya ang unang babaeng nakarelasyon ko. Sa kanya ko unang naranasan ang sex. Nakaka-adik ang maka­sama siya. Gusto kong siya ang aking makatuluyan. Nag-iipon na ako para sa kasal namin. Iniisip ko ring magkaroon kami ng sariling condo unit. Marami akong pangarap para sa amin.

Sabi niya, bata pa kami para mag-asawa. Sabi ko ­naman, wala sa edad ang maturity. Para sa akin, ­mature ako, kaya’t pinaghahandaan ko na ang lahat. Sabi niya, hintayin ko lang siya, hindi pa siya handa. Sabi ko, ­habang maaga, gusto kong magkaanak kami.

Maayos ang relasyon namin. Okay sa akin ang ­ugali niya. Compatible kami. Alam kong mahal niya ako. Pero nasira ang pagtitiwala ko sa kanya. Nalaman ko ang totoo. Siya ay hindi 19 tulad ng sabi niya. Siya ay 15 lang.

Ngayon, natatakot akong malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa relasyon namin. Kasi pwede akong kasuhan at makulong. Pero mahal ko siya at ayaw kong magkahiwalay kami. Paano ito, kuya? Any advice will be much appreciated. Thanks and more power. — Ferdie

Dear Ferdie,

Talagang nakakatakot ang sitwasyon mo. Maaaring makulong ka bilang rapist at sex offender. Hindi kayo pwedeng ikasal agad, kaya’t tatlong taon pa ang hihin­tayin ninyo, pagdating niya ng edad 18.

Tama ka, wala sa edad ang maturity. Pero ang ­maturity ay nakikitaan ng pagiging responsable, ­pagsunod sa batas ng Diyos, tao at pagkakaroon ng pagpipigil sa sarili.

Kung talagang nagmamahalan kayo at gusto ninyong magkatuluyan, hindi kailangang maghiwalay kayo. Ang kailangan ay malinis na pag-iibigan, malinis sa paningin ng Diyos, tao at lipunan. Magiging malinis ang inyong pagmamahalan kung iiwasan ninyo ang sex habang hindi pa kayo kasal. Kailangang mangi­babaw ang self-control at hindi sex. May tamang panahon para dito.

Ang sex na wala sa tamang panahon ay imoralidad at kasalanan. Pagsisisihan ninyo ang inyong naga­wang kasalanan at huwag nang ulitin pa. Ang pagsisisi ay magbibigay sa inyo ng bagong simula. Magsimula kayo ng isang malinis na relasyon.

Ang tunay na pagsisi ay magtutulak sa inyo para ­layuan ang tukso. Iwasan ninyo ang mga nakaka­tuksong lugar, bagay, salita at kilos na magpapainit sa inyong mga katawan.

Ang mabuting gawin ninyo ay magkaroon kayo ng kasunduan o covenant na patuloy ninyong mamahalin ang isa’t isa at pananatilihing malinis ang inyong pagma­mahalan ngayon at kailanman. Ialay ninyo ang buhay sa Panginoon at ingatan ang inyong mga katawan bilang pagbibigay galang at papuri sa Diyos na lumikha sa inyo.

Pagdating ng araw ng kasal, pupurihin ninyo ang ­Diyos, sapagkat binigyan Niya kayo ng pagkakatong maranasan ang isang malinis na pag-iibigan. God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom