Paputok pampropesyunal lang

Tanging ang mga professionals lang ang puwedeng magpaputok ng mga firecrackers tuwing bagong taon kapag naipasa ang iba’t ibang panukalang batas na magtatakda ng regulasyon sa paggamit ng papu­tok sa bansa.

Hanggang kahapon ay anim na panukalang batas ang ihinain sa Kamara ng mga mambabatas, isa sa mga ito ang nagbabawal sa paggawa ng paputok na pangunahing industriya sa Bocaue, Bulacan.

Sa ilalim ng House Bill 3690 na inakda ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, itinutulak nito na i-regulate ang paggamit ng paputok kung saan tanging ang mga professionals ang magpapaputok sa mga firecrackers designa­ted ­areas upang maiwasan ang disgrasya.

Ipinukala din ni Arroyo ang total ban sa pagbebenta ng paputok sa mga menor-de-edad at sinuman ang mahuhuling lalabag dito ay paparusahan ng isang taong pagkakabilanggo at P200,000 multa.