DAHIL summer na at nagkasunud-sunod ang mga long weekend at holidays, napasarap sa pagbabakasyon si Janine Gutierrez.
Nagkaroon ng maraming oras ang Kapuso actress para sa kanyang pamilya kaya na-enjoy niya ang kanilang mga getaways.
At mukhang hindi siya nakaligtas sa weekend hangover.
Sa haba ng bakasyon ay hindi kaagad siya nakabalik sa karakter niya bilang Grace sa drama series na Legally Blind.
Nahirapan siyang gampanan ang role niyang bulag at kahit siya ay nabigla sa sarili.
“Pagbalik ko galing bakasyon, naramdaman kong ‘OH MY GOD, hindi na ako marunong mag-bulag!; Para akong diesel, ang bagal kong mag-adjust!” bulalas ni Janine.
***

Co-stars ni Kris Bernal sa teleseryeng Impostora ang Rock N Soul Diva na si Aicelle Santos at ang King of Catwalk na si Sinon Loresca.
Dahil sa bigat ng kwento ng Impostora, tinanong ang cast kung paano nila dinadala ang bawat eksena.
Marami sa kanilang nagkasundo sa sagot na dahil kina Aicelle at Sinon ay gumagaan ang pakiramdam sa set.
Kung heavy drama si Kris, asahang sina Aicelle at Sinon ang magpapatawa sa Kapuso viewers.
Exciting dahil dadami na ang makakakita sa galing ni Aicelle sa pagpapatawa.
Paano pa kaya kung magkasama sila ni Sinon?
***
Matapos ang morning show na Yan ang Morning, nagbabalik si Marian Rivera-Dantes bilang host sa OFW-themed weekly anthology na Tadhana.
Masasaksihan dito ng viewers ang iba’t ibang nakaka-inspire na kuwento ng mga kababayan nating nagsisikap sa abroad.
Para kay Marian, malapit sa puso niya ang kuwento ng mga OFW dahil minsan ding naging OFW ang kanyang ina.