PARA KAY IAN — ALORA

KUALA LUMPUR — Emosyonal na aaka­yin ni Elaine Kirstie Alora ang Philippine delegation sa opening parade sa formal opening ng 29th Southeast Asian Games ngayong araw sa Bukit Jalil National Stadium dito sa Malaysian capital.

Dapat ay ang kapwa-Olympian ni Alora na si Ian Lariba ang flag bea­rer ng Team Pilipinas, pero may sakit ang table tennis star.

Hindi masasaksihan ni Lariba ang magarbong ilaw, kantahan, sayawan at traditional parade ng 11 bansang kasali sa bien­nial meet dahil nakaratay pa ito sapul nang ma-diag­nose ng acute mye­loid leukemia sa kaaga­han ng taon.

Sa Rio Olympics noong 2016, si Alora din ang na-assign na bumitbit ng bandera ng Pilipinas sa closing ceremonies dahil hindi rin pumuwede ang unang toka.

Malugod na tinanggap ni Alora ang assignment sa Rio, ngayon ay sa Kuala Lumpur naman, dahil ang hahalinhan niya ang malapit na kaibigan – si Lariba.

“Of course, I will be carrying the flag and playing for the country for her. Para sa kanya talaga ito,” lahad ni Alora na duma­ting na dito nitong Biyernes pero sa final days na ng three-week competition sasabak.

“I will be fighting on the 29th,” dagdag ng taekwondo jin. “But it’s okay. At least we get a good feel of the competition at madami kaming nakakasabay sa training.”