Parak, 4 pa nalambat sa anti-drug ops

Arestado ang isang aktibong pulis at apat pang katao sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Tanay, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni Chief Inspector Bartolome Marigondon hepe ng Tanay Police Station, ang mga naaresto ay sina P03 Antonio Rafon, 37-anyos, naka­talaga sa Angono Police Station kambal nito na si Antonio Rafon, 37-an­yos, nakati­ra sa Sampagui­ta compound, Brgy. Plaza Aldea, Leonardo Fulgue­ras alyas ‘Jojo’, 40-anyos nakatira sa Blk-2 Lot-60 De Castro St., Erlyn Ariola, 26-anyos ng Sampaguita Compd. at alyas Christian, 17- anyos nakatira sa Candelaria St., Pi­lilla Rizal.

Nabatid sa ulat dakong alas-4:30 ng mada­ling- araw ng ipatupad ni Bartolome ang buy-bust opera­tion laban sa pulis at mga kasama nito na umano’y lantaran na nagbebenta ng droga at ginagawa rin na drug den ang Sampaguita Compound sa lugar.

Nasamsam sa mga ito ang 60 piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu apat na P1,000 peso bill na marked money, isang .9mm pistol na isyu ng Philippine National Police (PNP) at dalawang magazine.