Parak binaril sa ulo, bala tumagos sa mukha

riding-in-tandem

Napatay ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na AWOL (absence without official leave) nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang kasama ang misis sa labas ng kanilang bahay sa Tondo, Manila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si PO1 Joselito Sumacaton, 37, residente ng 1804 F. Varona St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa ulo na tumagos sa mukha.

Inilarawan naman ang mga suspek na sakay ng itim na scooter, armado ng mga kalibre .45 baril, at kapwa naka-helmet, itim na jacket at nakapantalon.

Sa report ni Det. Jeffrey Laus, ng MPD-homicide section, naganap ang pamamaril dakong alas-6:10 ng gabi .

Bigla na lang uma­nong umalingaw­ngaw ang magkasunod na pu­tok at humandusay sa semento ang biktima.