Isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi nang maaksidente habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Malanday, Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriquez Hospital ang biktimang si PO1 Jeffrey Adlok Jr., nasa hustong gulang, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP)-1 ng Marikina City Police, tubong Tayug, Pangasinan at nanunuluyan sa isang boarding house sa Brgy. Malanday nang nasabing lungsod.

Lumalabas sa im­bestigasyon ng Marikina Traffic Bureau dakong alas-2:40 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng J.P. Rizal sa Brgy. Malanday.

Bumisita sa isang kaibigan ang biktima at pauwi na nang pagsapit sa naturang lugar ay bumangga ang sinasak­yang motorsiklo sa poste ng Meralco at sa lakas ay nahulog at nabagok ang ulo nito.